Espejo


2007- Taon ng mga Baboy
January 7, 2007, 6:33 am
Filed under: Reviews | Tags: , ,

hello sa inyo…. wala kasi ako magawa kaya mag susulat na lang ako…  tungkol san ba ang isusulat ko? eto lang naman ang mga prediction ko sa 2007…. ayos diba.. para akong isang mang huhula… pero ang totoo… ang ginagaya ko ay si Bob Ong… Kilala nyo ba yun??? sya yun gumawa ng librong… aba nakakabasa na pala ako… stainless longganisa, paboritong libro ni hudas at kung anu anu pang mga kalokohan sa tingin ng mga ibang tao….. ( yun yung mga tao na nilumot na ng panahon… I mean nilimot pala..)… kung mejo sinisipag sipag kayong basahin to… EH DI BASAHIN NYO… at salamat na rin…. ang totoo… wala lang talaga ako magawa ngayon… napakatagal kasi netong dinadownload ko sa internet….. at 10:05 na ng gabi…. diba?? di ko naman mabuksan ung TV kasi isa lang ang saksakan ko at nakasaksak yung computer ko…. at wala nang natitirang saksakan… eto nakikinig lang ako sa musika..  ayan 10:07 na… ay 10:08 na pala… grabe ang bilis ng oras noh…. 3 minuto agad… bat kaya ganun ang bilis ng oras pero pag sa mga oras na nagmamadali ka ay napakabagal nito… halimbawa na lang kung nsa School ka… lalo na pag HighSchool ka… Grabe.. pag yung mga oras na natatae ka…. syempre iniisip mo BILIS… grabe.. pinagpapawisan kana kasi sobrang sakit na at hindi mo na mapigilan… tanging hinihiling mo na lang ay sana mag 4:00 na para uwian na…. ngunit syempre hindi lahat ng oras nag tatagumpay ka…. may mga oras na ikaw ay BIGO… If you know what I mean… HOY SA MGA KAKLASE KO WALA AKONG PINAPATAMAAN…. hay!! tama na nga ang kaBABUYAN NA TO… palibasa 2007 na… nagiging BABOY na.. jokes… actually baboy ang ulam ko ngaun… PORKCHOP.. at nag dala pa ang lola ko ng barbecue.. o diba…. ang babuy… heheheh… Minsan nararamdaman nyo ba na “SHET… ang taba ko na”  actually pag inaasar kayo na BABOY o di naman kaya TABACHOY … syempre sabi sa inyo ng ina mo o kaya tatay mo…. “anak pag inaasar ka nila… sabihin mo Atleast malusog”  NKS NKS NKS… pati ba naman mga magulang nyo binabarbero kayo…. palibhasa magulang kaya kahit anung mangyari napaka ganda o gwapo nyo SA MGA MATA NG MAGULANG NYO.. pero ang totoo… KASIBAAN AT KATAMARAN ANG EPEKTO NUN…. una kasibaan sa Foods… mahilig kang kumain ng kumain…. tapos katamaran… syempre uupo ka lang o di kaya matutulog ng buong magdamag… syempre ang mga taba ay hindi matutunaw… ang mangyayari ay mag didikit ito at LOLOBO kayo…. Pero may mga tao na na since birth ay mataba na…. ang masasabi ko lang dyan ay sisihin nyo ang parents nyo… sa damidami ba naman ng mapapamana sa inyo yung mga fats pa nila… Pero swerte na nga kayo eh… alam nyo ba kung anu pinamana sakin ng magulang ko? Katangahan… jokes!! hahahaah.. grabe… hayzz… Timecheck… 10:20 na.. sa totoo lang ayaw ko pa matulog kasi bukas pasukan na namin… at kinakabahan ako…. panu kasi may na miss ako na exam… kala ko kasi 7:00-8:30 ang sched yun pla 6:00-7:30… OOPS… kasalanan ko? tanga! saka isa pa inindyan ko yung mga kaklase ko… kasi christmas carol… tapos hindi ako sumali… nag praktis pa man din ako… grabe binarbero ko na sila kagad pero di pa kami cLose… kasi ang totoo ay ayoko mag mukang aso sa stage… lalo na ang boses ko ay parang palakang tinanggalan ng adams apple na hindi nyo ba mawari… kung may injury lang ako pde ko pang gawing dahilan…. Speaking of injury… sino dito naputukan??.. actually… SPECIFICALLY NAPUTUKAN? hindi yung naputukan ng picollo na pambata daw sabi ng mga tinderong gustong yumaman at sugapa sa pera.. anak ng tinapa… pamabat daw yun… kung yung putok nun OO.. pero pag nasabugan ka naman.. para kang pinagkaitang ng daliri o di nam,an ay balat…. WELL balik na tayo sa naputukan… WALA ba dito?? Usong uso yan nung highschool… may mga nakakasalamuha ako na may mga dalang bigaten na paputok… (ANGHIT).. yan ah gets mo na… ay naku po… grabe… kala mo pag nalanghap mo ang amuy na yun na para kang sinusungalngal sa ilong… SHET… sobra… lalayuan mo malamang ang mga ito… eh panu kung nilalapitan ka?? ang masama pa ay panu kung nakahubad at nag lalaro kayo ng basketball at hindi sinasadyang napa subsuob ka sa madamo nyang kilikiling Full of methane gas?? di kaya ng aagaw buhay kang nakabulagta?? ang BABUY!!! swerte ko na lang di ko hilig ang basketball… AY.. EXCUSE ME!! Basketball?? UU nga pala… SYEMPRE MAHILIG AKO JAN!!! heheeh…. lalo na kung sharp shooter ka!! haha…. syempre ang mga sandata ng mga Tunay na lalaki… Kaso may masama na naman… malas mo lang kung yung kalaro mo sa basketball ay may tinatago ding sandata ng tulad sayo… hahaahaha… bat kaya yung mga iba noh…. di sila nakokontento sa kung anung ibinigay sa kanila… weLL.. ganun talaga… YUN.. na download ko na… Ah uu nga pla… ipapakausap ko lang sa inyo na sana PRIVACY kasi papanoorin ko na yung dinownload ko… OOPS… KAYO ANG DUDUMI NG MGA UTAK NYO.. syempre.. pano ako makakanood ng GIGIL (di to bold ah) kung nag susulat ako at the same time?? heheeh.. 10:34.. yan ang oras na natapos na ang isang pinaka walang kwentang nobela tungkol sa aking gintong buhay…. hahaha.. bwan bwan lagi ako mag susulat… actually comics ang ginagawa ko… pero eto na lang siguro… BABUSH… happy newyear mga trupa!!